Navigation
Home
Profile
Archives
Tabulas

Ren
Registered Nurse. Soon-to-be MD in the making (hopefully). Orange lover, still. Loves Math. Procrastinator/Crammer. Sluggish. Obsessive Compulsive. Emo-tional. Sensitive. "Overlapping." Weakling. Motivated. Contradicting. Loser. Nerd. Soon-to-be Geek.

Tagboard



My Categories


Links

Kyla Buenafe


Visitors


Layout
carleeeeen




free search engine submission service

Entries for August, 2006

nice weekend =)
August 7th, 2006 | 06:52 PM

my tito's flight left at around 6 am kanina. uhh, i'll miss him. and i still don't know when i will see him again. in a couple of years? maybe. hay.

i just went to maika's place nung saturday and studied trigo. oh diba? waaaw.

but a lot of things happened yesterday. 

first we went to loyola for lola and lolo's mass. since it's lola's first year death anniversary kaya iyon. well, my dad made me the official photographer for the day in replace of my sister who didn't go dahil nagreview. then my lola's half sister went with us and ate in max near loyola. then, narinig ko na naman si mikee. "alam mo natutuwa ako sayo. kamukha mo talaga si mikee." i never thought na sasabihin pa nila iyon. nung bata kasi ako, iyon ang laging sinasabi nila. ever since sinabi sakin ng mom ko na nagiging "a-cute" (kinda funny ng pag-name ni momy, geom na geom. waw.) na daw ako. in short, not beautiful. pumapangit daw ako, bumaba na yung self-esteem ko. anyway, natutuwa lang ako. =)

later that night, while my tito's packing up his things, we called my titos and titas in states. i talked to my older cousin. he's 31 now. and he's not married yet. grabe. lahi talaga namin. graduation na nga niya by next week sa masters niya. ang galing. =) and now, he's speaking in tagalog na ulit. cool! =) gumwapo nga yung voice nya eh. =) ngeek, sama pala.

anyway, i'll surely miss my tito :) well, deciding point na talaga by october. super. and i'm looking forward to it na. =) hopefully, matuloy na. =) 

thank You Lord. =) and sana po makapasa ako sa exams. =)

*napapareminisce ako sa grade 4 days ko ah. dahil sa my station ko sa ym. grabe ah.

**kwento ko nalang yung the break-up movie happening tom. rereview na ako. =)

orange you glad?


the break-up.
August 11th, 2006 | 06:39 PM

the break-up

well, watched that last sunday. my cousin and i watched it at sm north edsa. grabe, sale pa doon nung pumunta kami. waaaw, kamusta naman ang mga tao doon? anyway, when we watched it, tamang-tama. kasi magsshowing palang. just in time to buy popcorn and drinks. haha. so iyon, nung andun na kami, sa may deluxe kami nanood. halos walang tao. it's okay. then wala pang 20 minutes, may biglang guy na pumunta sa row namin tapos tumabi pa samin. walang tao sa movie house ah?? imagine! isang seat away sya sakin actually. so sabi ng cousin ko, lumipat kami, so lumipat nga kami sa dulo. okay, then lumipat kami, umalis sya. damn. mukha bang may gagawin?? then a couple of minutes later, may guy na umupo near samin. as in he's sitting diagonally from my seat. grabe! nakakatrauma na iyon ah? so lumipat ulit kami, 3 rows forward. then lumipat din sya like what the first guy did. so sabi ko sa cousin ko, pag may lumapit nanaman satin, aalis na ako ng movie house. thank God, wala na after nung second guy. wuhoo. pero nattrauma ako pag parang feeling ko may dadarating na guy. grabe. nakakatraumang movie ever. shux. ayaw ko na.

but anyway, hindi naman iyon yung story ng break-up eh. well, i can say na i was a bit tinamaan(?) talaga. yuck yan nanaman ako. caren, stop it. brooke(aniston) broke up with gary(vaughn). well, basically it started there. it didn't have a happy-ending with having them back together. NO. TOTALLY NOT. but i guess i was really... bothered(?) grabe, sobrang minahal ni brooke si gary. hindi inalagaan ni gary yung relationship. all he cared for was his damn life and not his girlfriend and their relationship. nakakainis talaga yung mga taong ganun. but anyway, in the end, nung nalaman ni gary yung worth ni brooke and their relationship, doon na nawalan ng feelings si brooke. napagod na siya. awwwwww. damn. inshort kasi, ang INSENSITIVE (sobrang emphasized) kasi nila, este nya. sobra. so yun. ouch. mehn. =)

grabe, sarap manuod ng maraming movies kasama mga cousins ko. sobrang addict nila sa mga movies. =) next time... =)

orange you glad?


exams, nakakasira ng ulo.
August 16th, 2006 | 06:12 PM

entry for august 11:

yey! exams are finally over! :) ohwell, anyway, some are hard and some are okay.

computer - waw, i wasn't expecting to have this exam. sobrang madali. not that i'm saying i will get a perfect grade or something. pero waw! :) hope i get a high grade on this subject.

chem - it wasn't easy as in sobrang easy. but seems like it's not that hard. i finished on time but ohmy, forgot to color the last part. it's okay. buti nalang 1 point lang :) i'm 'kinda expecting and i don't know why. kaya nga excited na akong makuha eh.

the - can't believe the exam would be like this!!! 40 points in one part? wow! can't believe it. for sure i'll get a low score. asa pa akong makaka-90 pa ako. asa pa. maybe i'll get a 70++ to 80points. pwede na siguro iyon.

worldhis - uhh... well, another subject na di ko masyado ginalingan. yeah, i know dapat sobrang nagpush ako sa subject na ito. pero grabe, i hope i get a passing grade on the exams. kung hindi, 'di ko na alam kung saan ako pupulutin. NO!!!!! 'di ko kakayanin pag ganoon. naku, wag naman sana.

geom - it was average. thank God! though i don't read the book (which i should do), and 'di pa ako makasunod while discussing the proving part, ohmy! i'm so thankful that i answered the dd part soooo well! the number of statements is equal to the number of points. so, wuhoo! :)

filipino - well, some of the questions there were not discussed but that one part in the exams is more of stocked knowledge. so what we basically knew about panitikan. whew. i'm quite confident on some parts of the test so medyo okay lang. :)

english - it is average. but we didn't discuss the graphic organizer stuff, well thanks to Sir Soon's statistics last year i remembered the parts of a graph. grabe, may naidulot ka palang maganda sa buhay ko sir soon! :) hihi. :)

trigo - i wasn't able to verify the thing at the last part in the yellow paper. raaar. so i know i'll get a minus 4. hay, but good thing i was able to get all the functions using the pythagorean identity. buti nalang naalala ko. haaaay. :)

social ethics - last but not the least, ang pinaka-kinailangan ng pagiisip talaga. at sobrang napagod na ang utak ko. grabeeee, puro essay!!! matino ba iyon? 10points pa 'yung isang part. good luck sa 50points. haaaay :)

ohwell, nice exams. i put a lot of asterisks on my test papers. 'yung mga tipong 'di ko sure. sana okay ang first quarter kahit mukha talagang hindi. rrrrrr. :D

SONGFEST!!! grabe, *150 days for no one Noah to survive the flood*
orange you glad?


I SO HATE YOU.
August 19th, 2006 | 04:05 PM

maglalabas lang muna ng galit. hindi ko na talaga kaya eh.

yeah. i hope you know how much i hate you right now. SANA LANG. grabe, you even have the guts to mention her name when in fact you really don't know how it feels to be like this. SOBRA. sana lang. sayang ka. you're sooooo INSENSITIVE and IMMATURE. sana alam mo talaga yung feeling sa kinatatayuan ko ngayon. of course, you will never know dahil i know you'll just cover up for yourself.

hay, kay gandang pangalang at kay ganda naman para gawin mo iyon sakin. *very sarcastic* isa ka pa, oo ikaw. ganda-ganda ng pangalan mo. sayang ka rin. ang CHARMing ng pangalan mo pero yung pinagagagawa mo sa buhay ko sinisira mo!

MAGSAMA KAYONG DALAWA!!!

okay, i'll try to be calm for just a bit... *chill*

"you have to ACCEPT something..."

kala mo kasi madaling tanggapin. you kept it for like, 2 months? hindi ako isang machine na basta-basta nalang tatanggapin lahat ng sasabihin mo. alam mo kasi,

TAO AKO.

sana alam mo iyon. kung hindi, aba, nilalang ka ba? kasi ngayon palang, naramdaman ko ng ni-reject mo na ako. ipagpatuloy mo lang ang pagtatanggol mo sa malanding babae na iyan. sorry sa term pero, hindi ba siya mukhang malandi para sayo? eh anong malandi para sayo? naku, napaka-immature mo nga. GROW UP! sana lang.

wala na akong respeto para sayo at isa pa, sinira mo na din ang tiwala ko. hindi ko na maibabalik iyan dahil nawalan na din ako ng trust sayo dati. i'm sorry pero wala na akong magagawa.

hindi ko na kayang umiyak. masyado ng masakit.

sana lang, alam mo talaga nararamdaman ko ngayon... SANA LANG.

orange you glad?


ayoko na.
August 21st, 2006 | 03:53 PM

can't i just simply say na i hate everyone who thinks they are like a couple? AS IN?

grabe, for the past 2 days, eh masyado ata akong lumiliyab. eh mukha ngang for the first time, ang aking malaking kapatid ay natakot sakin sa sobrang galit ko. grabe, i've never been sooooo mad sa isang tao. SOBRA.

okay, i know you have a new friend. nagiging close mo siya. okay, so what? but then, iba kasi yung nagagawa niyang closeness niyo eh. mayroon bang magkakilala palang ng 3 months (take note: GUY AND GIRL), na pag lumalabas eh gusto pa ng girl i-holding hands? and eto pa, alam na ng girl na may girlfriend na yung guy, dikit pa din ng dikit. eh si guy naman, kinukunsinte pa si girl. eh mga *insert any bad word here* pala kayo eh! ang bobo niyo grabe.

well, if ever you two are reading this right now, well, HI!!! grabe, i know and you know kung sino kayong dalawa. kung hindi niyo pa alam na kayo na iyon. grabe, wala na akong masasabi sa inyo. kung hindi, MAGSAMA KAYONG DALAWA!!!

alam niyo, right now, si guy and girl pareho silang magkasama ngayon sa greenhills, nagshoshopping simula pang kaninang umaga. pareho yung girlfriend, ayun, sinusubukan maging masaya. kahit alam niyang harap-harapan na siyang sinasaktan.



Lord, hindi ko na kaya... kala ko talagang may magmamahal sakin... pero nagkamali lang ako...

Lord, ayoko na. tama na. masakit na masyado....

orange you glad?


it's over.
August 22nd, 2006 | 06:14 PM

i mean it.
after a year and eight months.

grabe, wala akong ginawang masama sayo. minahal kita ng buong puso ko. ikaw lang nagiisang minahal ko sa loob ng mahigit isang taon. lahat binigay ko...
pero anong binigay mo? sa lahat ng sinabi nila sakin, ngayon napapaisip tuloy ako kung talagang na-appreciate mo ba talaga ako bilang isang nagmamahal sayo. naging loyal ako. pero sa ginawa mo, nawalan ako ng respeto't tiwala sayo. ayaw na kitang kausapin muli. ayoko ng ayusin ang naiwan mong kalat. kung maaayos man, ikaw umayos niyan. hindi ako ang nagkalat, kaya ikaw ang mag-ayos niyan.

sana nung una palang, umiwas ka na. pero wala kang ginawa. pinagpatuloy mo lang. hawak mo ang oras mo. kala mo naman basta ko nalang palalagpasin ang lahat ng ginagawa mong alam mo namang mali. sana naisip mo na habang kasama mo siya, may isang taong nasasaktan sa isang tabi. wala mang nangyayari sa inyong dalawa, pero alam mong mali. sana nga alam mo. ngayong wala na nga, dumadami lang lalo ang mga dahilan para ikamuhian kita. sobra. ngayon, nagdadalawang-isip ka na sa dalawang tao? kapal pala ng mukha mo eh. hindi ka na nakuntento sa nangyari sayo dati palang. nung una palang, sana natuto ka na. pero hindi.

kaya, tulad ng sinabi ko...

MAGSAMA KAYONG DALAWA!


this will really be the last time i'll be talking about YOU. i don't want to talk to you anymore. i know you'll never read this pero sana maisip mo nalang yung mga bagay na sobrang nagkamali ka. alam mo, pagdadasal nalang kita kay God na sana, maging maayos ang buhay mo and na sana maging happy ka din. sana maliwanagan ka na din sa mga ginagawa mo sa buhay mo. nagtthank parin ako kay God kasi nakita kita. =) hindi ako bitter doon. totoo iyon. from the bottom of my broken heart.

thank you.

sayang, hindi ko na nasagot yung huling tanong mo... pero kung ano man sagot ko doon, sakin nalang iyon. 


*fyi lang, hindi ako galit. promise. kalmado ako niyan. :)
2 must be happy


weow. =)
August 25th, 2006 | 06:21 PM

men, what a week. ang bilis naman masyado.

damn, it's friday today. there should be no classes today. when i woke up this morning kasi, ang lakas kasi ng ulan. but then... okay, ang bilis din humina. grabe, magang-maga pala mata ko. mas maliit 'yung isa. abnormal pala. umiyak daw ako? okaaay. nice.
*nung first subject, okay naman ang geom. totally maganda ang results ng mga quizzes compared last quarter. 'yun bang give-away quizzes 'yung mga binibigay niya.
*hmm, chem, finally tinawag na din ako ulit ni ms. lingbanan. eh huling tinawag niya ako before exams pa. grabe naman. infairness, ang taas ng exam ko sa chem. =) nakakatuwa. =)
*in the, i wasn't expecting to have that score sa exam this quarter. kasi nga naman, nakakafrustrate yung one part na 40points. i thought mga 79 or something. pero, whew. =)
*in our first quiz in world his, aba, masasabi ko na ata na maganda yung score ko. =) weeeee! =) and nag-report na ako para sa additional points ko para magka-85 atleast. good thing it really went out fine. =)
*english, ohmy, ang baba ng mga quizzes ko, i don't think mukhang maganda ang score din ng exam ko. pero bahala na. =) goodluck dude. =)

sana matuloy sa sept16. please? =) sana... it will be my second time. para naman may mangyari sa classroom namin na maganda. diba? bonding. =)

anyway, i was happy nung tuesday when we performed. parang after one year, nakapagsayaw na ako ulit. ang saya. super, ang saya-saya ko. =) i'm back in the game. =) weh, pangit naman. hihi.

ang saya din nung wednesday. diba carol? =) drums. drums. drums. =D waaaaah. =)

aba, nakakagulat si sir emman nung thursday, aba, may boyfriend ka talaga noh? aminin mo na. tsktsktsk. pero ang saya kasi maganda score ko sa social ethics. =)

maganda 'yung linggo kahit papaano. wag nalang natin isama 'yung araw na hindi pumasok.

haaay, kahit masama pakiramdam ko nung isang araw, gusto ko talagang panuorin 'yung you are the one. sobra. kaso next week pa eh. okay lang iyan. i can wait. =) sino gusto sumama? =) anyone?  

orange you glad?


go caren, go! =)
August 28th, 2006 | 09:07 PM

lalong pinipilit, lalong sumasakit.



yuck. pangit naman ng start nitong entry. anyway, may nalaman lang kasi ako. pero ayun... caren, kaya mo 'yan! =) alam kong kaya ko ito! =)


may english share-a-book pa ako tom. nakuh, kinakabahan ako.
kaya ko ito! =)

haaay, basta kahit anong mangyari, kaya ko 'to! =)
orange you glad?


kala ko madali lang...
August 30th, 2006 | 05:08 PM

ang hirap naman nito.

nag-usap kami ni erik kanina habang nagfflag ceremony. napagusapan nalang namin siya bigla. tinanong niya kung ano nga ba daw ang nangyari. sinabi ko naman. pero mayroon talagang sinabi si erik na gumugulo sa isipan ko ngayon...

"malay mo magkapatid lang turingan nila..."

pero hindi eh. malayo kasi 'yun eh. at tsaka, sana man lang sinabi niya sakin para napanatag loob ko. eh hindi eh.

and besides, hindi lang naman talaga dahil dun sa girl na 'yun eh. dahil may iba pa. oo tama, may iba pa nga.

ayy, hindi ko alam. naguguluhan talaga ako. nakakabaliw. hindi ako makapagisip ng maayos.

aakalain mo na tapos na lahat ng paghihirap. pero doon palang pala nagsisimula.

***

kahapon, hindi ako nakapagshare-a-book. kaya sabi ko kay bea, bukas talaga. haay, goodluck sakin. sana, kaya ko talaga 'to. go. go. go.
4 must be happy


« 2006/07 · 2006/09 »