***
Hay. This week was hell for me. Kung last week, sobrang nainis na ako. Ngayon, mukhang galit na ako. Damn talaga. I hate it. Hindi ako nabad-trip sa grade ko na mababa. Nainis ako sa mga tao sa paligid, sa mga pangyayari, sa lahat. Lahat mali, sobra. Maling mali.
Sobrang nadistract ako. Hindi ko na tuloy alam kung ano ba talagang gusto kong gawin at sabihin. Nakakalito na nga kasi ang daming problema. Hindi ko naman dapat pinoproblema yung iba pero alam mo yun, lagi kong iniisip. Nakakapagod na nga ang buhay eh. Napapa-bugtong hininga nalang nga ako bigla eh. Parang hirap makahinga. Ewan ko ba. Basta magulong-magulo.
***
Lord, please help Val. I know napakahirap nito para sa kanya. Lord, wala akong magawa ngayon para mabawasan yung sakit na nararamdaman niya. Alam kong napakasakit pero sana tulungan niyo po siya na makayanan lahat ng ito. Lord, kayo ng bahala sa kanya. Please Lord. Please. ='( I'm sorry Val, wala akong magawa ngayon. ='( Pagdadasal kita, promise. =|