Navigation
Home
Profile
Archives
Tabulas

Ren
Registered Nurse. Soon-to-be MD in the making (hopefully). Orange lover, still. Loves Math. Procrastinator/Crammer. Sluggish. Obsessive Compulsive. Emo-tional. Sensitive. "Overlapping." Weakling. Motivated. Contradicting. Loser. Nerd. Soon-to-be Geek.

Tagboard



My Categories


Links

Kyla Buenafe


Visitors


Layout
carleeeeen




free search engine submission service
Pangarap ko maging isang...
April 6th, 2007 | 09:24 PM

Bigla kong naalala 'yung pangarap ko. Kaisa-isang pangarap ko na maging isang mabuting doktor. Saan ko nga ba napulot ang pangarap na iyon?

Sa totoo lang, hindi ko alam. Mula pagkabata, iyon na ang nag-iisang pangarap ko na gusto maging pag-laki. Kahit sinong magtanong sakin ay iyan lamang ang tangi kong sinasagot. Ngunit habang lumalaki, nagdalawang isip na rin ako, minsan ko naring naisip maging designer (kahit walang talento sa pag-guhit, oo, malabo) at trabaho na pang-opisina gaya ng momy ko.

Naging maimpluwensiya ang aking mga magulang sa pag-pili ng kurso na kukunin ko sa kolehiyo. Gusto nga rin naman talaga nila na mag-doktor o nursing ako. Ngayon siguro kasi dahil sobrang madaling kumita sa larangan na iyon.

Siguro mahigit limang taon na ang nakakalipas mula ng mag-desisyon ako na tuluyan na kunin ang kurso ng nursing. Isang araw, biglang nagkakwentuhan kami ng aking dady. Nabanggit niya bigla na sa kanilang anim na magkakapatid, pangarap ng lola na maging isang doktor din ang mga anak niya. Ngunit walang naging doktor sa kanila. Ang may pinakamalapit na nakakuha ng kurso ay ang panganay kong tita na isang pharmacist. Kaya ninais ng lola ko na maging doktor ang isa o ilan sa kanila dahil siya ay tumutulong sa mga doktor, nurse nga ata. Tapos nakwento nga mga tito na gusto silang ipag-doktor dati ng lola ngunit kahit iba ang kinuha nilang mga kurso ay todong sinuportahan parin sila ng lola ng walang pag-aalinlangan.

Kaya ngayon, sigurado na akong mag-nunursing ako. Bakit? Gusto kong tuparin 'yung pangarap ng lola na magkaroon doktor sa pamilya. Gusto kong maging magaling na opthalmologist/ cardiologist/ OB balang araw. =)

orange you glad?


Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.