Ano pinaka-nakakainis pag nagccommute?
- Yung mga taong pumapara sayo o kaya yung mga taong nagpapasakay sa jeep/bus/fx/kahit anong public vehicle.
Alam niyo bakit? Sila kasi yung sumisira ng araw mo.
Kaninang umaga pasakay na ako ng jeep. Usually kapag sasakay ako, sa terminal ako pumupunta. Pagdating ko ng terminal bago makasakay sa Tanay jeep, tinanong ako kung saan ako pupunta. Dineadma ko. Pagkaupo ko tinanong ako ulit. Sinabi ko Meralco. Tapos sabi ba naman P48 ang babayaran ko??? HELLUR. P7 lang ang binabayad ko noh! Tapos pababayaran ako ng isang buong trip? Ano sila HILO?
Hay nako. Sa sobrang init ng ulo ko, diretsong baba ako ng jeep. Hindi lang uminit ang ulo ko pagbaba ng jeep, binigyan pa nila ako ng sakit sa ulo, literal. Nauntog pa ako. Nakakainis lang kasi eh. Sobrang nasira yung umaga ko dahil lang dun. Kainis talaga.
Nakwento ko kasi kay momy na pag nagffx ako from mega to school, minsan na akong sapilitang nagbayad ng P18 at P15 na dapat ay P10 lang. Tapos sabi ni momy kaya daw ganun binabayaran mo daw yung buong trip. Nakakainis diba? Kasi sumakay ka tapos malapit lang yung pupuntahan mo pero pagbabayarin ka ng buong trip??? TSSS. Diba mali yun? Sinabi mo naman kung saan ka bababa tapos ganun parin? ANG UNFAIR. SOBRA and I HATE IT.
Nakuh. Sana di na to mangyari bukas. SANA LANG. DEMMIT.