Navigation
Home
Profile
Archives
Tabulas

Ren
Registered Nurse. Soon-to-be MD in the making (hopefully). Orange lover, still. Loves Math. Procrastinator/Crammer. Sluggish. Obsessive Compulsive. Emo-tional. Sensitive. "Overlapping." Weakling. Motivated. Contradicting. Loser. Nerd. Soon-to-be Geek.

Tagboard



My Categories


Links

Kyla Buenafe


Visitors


Layout
carleeeeen




free search engine submission service
Last 2 days, sobrang sulit! =)
April 28th, 2007 | 12:54 PM

Thursday, April 26

Haaay, halata nang matatambakan kami. Grabeee. Wala kaming potential as partners sa tournament, men! Wag na kasing pagpilitan. Umaasa pa naman ako sa sinabi ni Coach Noli. Mukhang malayo ata. Baka bukas palang lalabas ang totoong laro niya. Sana nga.

Ayun, sobrang ayaw ko pang matapos ang badminton kasi sobrang nasanay na nga akong gumising ng maaga and besides, sobrang mamimiss ko yung feeling na everyday workout. Argh.

Nag-badminton nga pala kami nila Mara, Sara, Nina, Pancho and Nikki(?). Grabe, mukhang di pa nga kami pagod ni Mara. Sobrang sinulit na. Ayun naglaro si Pancho and Sara, panalo si Sara. Wew. Kami ni Nina sobrang wala lang, having fun. Si Mara and Nikki nakipaglaban kay Sara and Pancho, mix doubles sila. Fun talaga.

After nun, nag-Shang kami nila Sara and Nina. Tumambay muna sa Starbucks, nag-Caramel Frapp ako. Venti, dude. Tagal ko ng di nag-sStarbucks noh. Mga almost 2 months na. Grabeeeee. Anyway, after nun nag-KFC kami. Kumain si Sara ng Go-go, kami ni Nina nag-burger nalang. Nasuya na si Sara sa kinain, excited kasi sa food trip. Tapos nakita namin yung Quantum, naglaro sila Sara. Wala na akong pera eh. So yun, nag-hockey sila and basketball. Dapat nga magvvideoke pa kami. Tapos yung "Nothing's Gonna Stop Us Now" yung kakantahin namin kaso kailangan at least 3 songs yung kakantahin. Sayang.

Grabe mga 6pm na ako naka-uwi tapos nagbonding pa kami ni Nina dito sa bahay hanggang mga 730pm. Ayos! =) Grabe, maaga akong nakatulog noh! Shocks. Di ko kinaya. Haba ng araw.

***
Friday, April 28

Halos naiyak din ako ng araw na to dahil sa Badminton. Hindi dahil sa last day na kung hindi dahil sa pagkatalo namin. Hello, out of 5 games, 3 na talo namin. Paano ba yun? Goodluck naman samin. Nung 4 na talo namin, sobrang naiiyak na ko nun noh! Pero nung nanalo kami nung last game, natuwa ako kahit papaano kasi masasabi ko na may panalo kami na isa! =) Masaya parin kahit ganoon. Kahit last place pa kami.

Hindi rin naman ako umuwi ng luhaan kasi may awards din ako! =) Yipee. Masaya talaga ako. Kaya lang, kahit gusto ko mag-intermediate, hindi talaga pwede. Sayang. Kaya bibisitahin ko nalang sila paminsan-minsan siguro. Mamimiss ko talaga yung buong experience. Nga pala, Mara, congrats! Once again, MVP and champion na naman! Siyempre, ikaw pa! Idol nga daw sabi ng "pedo lover" mo =D

After Badminton, nag-lunch kami. Food trip mga dong! Grabeeee. Sa Munch Alley kami kumain. Nag-order ako ng chicken barbeque and liempo with rice. Sobrang PG DAY! After nun, nag-ice monster kami noh! Hindi pa busog! Si Mara lang nabusog, hindi nga naubos yung rice eh. Siyempre, text palang busog na siya eh. Paano pa makakakain?

Pagkatapos lumamon, nag-pilates kami. Pero si Sara lang nakatapos. Grabeee. Ang sakit sa tiyan noh! Kala mo madali. Pero di ka makakasurvive! Sakit, mehn! Tapos dumating na si Koo and Martin(a), nag-swimming na kami! =)

Tamang-tama, pag-dating namin sa taas, umaambon na! Galing! Nag-swimming pa rin kahit sobrang lakas ng ulan. Summer na summer, lakas ng ulan! Masaya rin kasi hindi rin ako masyadong umitim. =) Siyempre, walang araw.

Pagka-swimming, unti-unting nag-alisan na. Si Koo and Martin, tapos si Cat, si Sara tapos si Nina. Ako huling umuwi, mga 830pm na siguro nun. Bonding with Mara and her lil bros. Fun. =)


Kapagod ng last two days pero sobrang saya ko naman. =)
Pagdating ng monday, back to real world. =(

orange you glad?


Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.