Navigation
Home
Profile
Archives
Tabulas

Ren
Registered Nurse. Soon-to-be MD in the making (hopefully). Orange lover, still. Loves Math. Procrastinator/Crammer. Sluggish. Obsessive Compulsive. Emo-tional. Sensitive. "Overlapping." Weakling. Motivated. Contradicting. Loser. Nerd. Soon-to-be Geek.

Tagboard



My Categories


Links

Kyla Buenafe


Visitors


Layout
carleeeeen




free search engine submission service

Entries for February, 2008

Lovesick.
February 2nd, 2008 | 02:33 PM

Tae. Mushy 'to.

Oo nga eh, matagal na akong hindi ganito. WHOOO. Di ko napansin. :)) Yuck, ang corny ko. Sorry naaa.

Sa oras na nagmahal ka kahit naka-move on ka na, ang taong minahal mo ay mananatiling may lugar sa buhay mo--lalo na sa puso mo. Hindi man natin ito napapansin ngunit marinig lang natin ang pangalan nila, o di kaya'y bigla ka nalang nakaalala ng bagay na kumakatawan sa nakaraan, may nadarama mabilis na pagtibok ng puso. Kala mo lang kinakabahan ka, ngunit matatanto mo na lang na tila bumabalik ang nadarama mo sa taong minsan mo ng minahal.

Pero nakakalito. Hindi ko kasi malaman kung bumabalik ba yung nararamdaman ko o naaalala ko lang ang pakiramdam ng minahal ko siya. Alam kong nililito ko na naman ang sarili ko pero yun kasi ang hinala ko eh. (WAAAAAH, ginugulo ko na naman ang puso koooo. =|)


**
Wala akong masabihan kasi yung taong may alam nito ang barkada. Wala sa classroom. Yung pwede ko namang sabihan, hindi pwede sabihan kasi makakapinsala lang ako lalo. Ang hirap naman nito.

Kinakabahan ako. After 3 years? Shocks. Goodluck. Sana matuloy. :)

FUDGE. Ang loser ko. =|

orange you glad?


The truth is...
February 3rd, 2008 | 08:59 AM

Ang labo ko forever. I knooooow.

Alam ko naman kasi na ayaw ko ng pasukin yung bagay na yun kasi I'm so over it. DIBA? I want to make it clear sa sarili ko na ayaw ko na talaga. Hindi na pwede. Kasi, HINDI NA TALAGA PWEDE. DIBA? Kahit na mayroon pang laman o wala, wag mo nang pansinin pa. Ang USELESS lang. Tsss. Please lang, NO.

I know it's too early for me to say this. KASI NAMAN NOH. Sino ba naman nagsabi na biglang darating ulit? Ano ba yun? Siyempre. Argh. Sinisigurado ko lang na nasa tamang pag-iisip pa rin ako. Kasi naman eh, mukhang nadadala na naman ako sa takbo ng pangyayari. Ayoko. I have this attitude sa ganitong bagay and ayokong maipakita yung tunay kong anyo.Kasi hindi pa ako nagbabago. Kung ano ako dati, ganoon pa rin ako hanggang ngayon. Ayokong malaman ng taong iyon na hindi pa rin ako nagbabago. Hanggang ngayon, malambot pa rin ang puso ko, maramdamin.

Nililito ko lang ang sarili ko. Ginagawa ko lang magulo ang lahat. Ayoko ng magulo. Wala na ngang pinatutunguhan ang buhay ko eh, dinagdagan pa. Ano ba tooooo. =S

WALA LANG TO. =))=|

*Although mabobother kami ni soon-to-be-blockmate dun sa isang issue na kung totoo man, SOBRANG MATATAWA KAMI. =))

Pare, si KD yan. :))

1 must be happy


« 2008/01 · 2008/03 »