Tae. Mushy 'to.
Oo nga eh, matagal na akong hindi ganito. WHOOO. Di ko napansin. :)) Yuck, ang corny ko. Sorry naaa.
Sa oras na nagmahal ka kahit naka-move on ka na, ang taong minahal mo ay mananatiling may lugar sa buhay mo--lalo na sa puso mo. Hindi man natin ito napapansin ngunit marinig lang natin ang pangalan nila, o di kaya'y bigla ka nalang nakaalala ng bagay na kumakatawan sa nakaraan, may nadarama mabilis na pagtibok ng puso. Kala mo lang kinakabahan ka, ngunit matatanto mo na lang na tila bumabalik ang nadarama mo sa taong minsan mo ng minahal.
Pero nakakalito. Hindi ko kasi malaman kung bumabalik ba yung nararamdaman ko o naaalala ko lang ang pakiramdam ng minahal ko siya. Alam kong nililito ko na naman ang sarili ko pero yun kasi ang hinala ko eh. (WAAAAAH, ginugulo ko na naman ang puso koooo. =|)
**
Wala akong masabihan kasi yung taong may alam nito ang barkada. Wala sa classroom. Yung pwede ko namang sabihan, hindi pwede sabihan kasi makakapinsala lang ako lalo. Ang hirap naman nito.
Kinakabahan ako. After 3 years? Shocks. Goodluck. Sana matuloy. :)
FUDGE. Ang loser ko. =|