Navigation
Home
Profile
Archives
Tabulas

Ren
Registered Nurse. Soon-to-be MD in the making (hopefully). Orange lover, still. Loves Math. Procrastinator/Crammer. Sluggish. Obsessive Compulsive. Emo-tional. Sensitive. "Overlapping." Weakling. Motivated. Contradicting. Loser. Nerd. Soon-to-be Geek.

Tagboard



My Categories


Links

Kyla Buenafe


Visitors


Layout
carleeeeen




free search engine submission service
Kailan ba pwedeng maging masaya?
March 1st, 2008 | 05:23 PM

Mahirap talaga itago lahat ng kirot na nararamdaman mo kapag nagsabay-sabay na. Ang hirap kasi kapag hindi mo namamalayan umiiyak ka na lang ng walang dahilan. Hindi mo na alam kung bakit nagluluha ka ng para bang wala lang pero alam mo na sa kaloob-looban mo na sobrang bigat na ng pasan mo kaya nilalabas ito ng paunti-unti.

Ang gulo nga ng mundo ko ngayon kasi ang daming iniisip eh.
Namimiss ko si Momy.
Yung college na gusto kong pasukan.
Yung misunderstanding namin ni Dady.
Yung almost 3 months naming away magkapatid.
Yung nalalapit kong birthday.

Oo, masyado kong iniisip yung ibang bagay na di naman dapat isipin. Pero mahalaga kasi sakin lahat ng iyon eh. Parang ang hirap naman hindi isipin ng mga yun kasi sila yung nagpapagalaw ng mundo ko eh. Ang weird lang talagang makita akong naluluha na nung kinausap ng ninang kanina. Pagdating ng bahay, hindi ko na talaga napigilan eh. Naiiyak ko na talaga. Hindi ko na nakayanan eh. Masyado na kasing masakit isipin para kargahin pa.

Ewan ko. Kahit alam kong pansamantala lang yung iba, hindi pa rin mawala sa isip ko na pwedeng manatili ang iba diyan at patuloy kong pahihirapan ang sarili kung poproblemahin ang mga ito.

Masasabi ko lang,
Tama na.

orange you glad?


Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.