Navigation
Home
Profile
Archives
Tabulas

Ren
Registered Nurse. Soon-to-be MD in the making (hopefully). Orange lover, still. Loves Math. Procrastinator/Crammer. Sluggish. Obsessive Compulsive. Emo-tional. Sensitive. "Overlapping." Weakling. Motivated. Contradicting. Loser. Nerd. Soon-to-be Geek.

Tagboard



My Categories


Links

Kyla Buenafe


Visitors


Layout
carleeeeen




free search engine submission service
I need to know your name. :>
July 3rd, 2008 | 08:05 PM

3 weeks ago, pumunta ako ng UST para bisitahin si Cat and Harley. Eh hindi ko talaga alam exactly kung paano pupunta dun. So nagpaturo ako kay Mary. Sabi niya sumakay daw ako ng FX. So sumunod naman ako. Habang nasa FX ako, may nakasabay akong Cutie Guy na naka-uniform. Hindi ko malaman kung anong school kasi first time ko lang makita, pinagdasal ko ngang sana UST eh, para susundan ko na lang siya. So anyway, sabi ni Mary bumaba daw ako sa Vicente Cruz or to be exact right before the second bridge. So siyempre, sinunod ko naman. Bumaba ako bago magbridge, sa sobrang excited ko, medyo malayo pa siya ng onti. :)) At napansin ko pa, bumaba din si Cutie Guy medyo lagpas lang ng onti sa binabaan ko. Malay ko ba. Eh di sinubukan ko siyang sundan. :)) Pero nagtanong na rin ako para sigurado. Then nung nakita ko na yung jeep, nahiya ako sumakay! @_@ Kasi narealize ko, dun din si Cutie Guy! OMG. Tapos nung nasa Lacson corner Espana na kami, bumaba siya dun. At dun ko narealize na taga-UST siya! At pagpasok ko pa ng UST, narealize ko dun pala sila nag-aaral. Musta naman yun? :))

Hindi dun nagtatapos lahat. :)) Kasi kanina, natapos yung class ko sa Manila ng 530 PM. Sinundo ako ni Dady tapos nagjeep kami. Guess what, nakita ko si Cutie Guy ulit! OMG. Sinakyan niya yung jeep namin, kung saan puno na! OMG. Hindi ako makapaniwala. Sa sobrang hindi ako makapaniwala, napanga-nga nalang ako nung sumakay siya. Seryoso. :o Naconfirm kong siya nga nung nagbayad siya kay manong driver. Kasi nung sumakay siya sa fx from last time, yun din yung lugar na bababaan niya. :o Sobrang grabeeeee. Di ako makapaniwalaaaa. :))

Sabi ni sister, kapag next time nakita ko pansinin ko daw. Whattheee...? :)

Tawa nalang ako. :))

orange you glad?


Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.